ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, OIC chief ng Special Operations Unit (DSOU) kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, ikinasa nila ang pagtugis sa 52-anyos na lalaking akusado na residente ng lungsod.
Ayon kay Lt. Col. Gomez, ang akusado ay wanted sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) at paglabag sa Section 4(A) of Republic Act 9995 (Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009).
Dakong alas-8:00 ng umaga nang tuluyan masukol ng tumutugus na mga operatiba ng DSOU sa Brgy. Gen T D Leon ang akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Valenzuela police.
Hindi naman umano pumalag ang askusado nang isilbi sa kanya ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court, Family Court, Branch 16, noong August 8, 2025 n may inirekomendang piyansa na P180,000.00 at P42,000.00, respectively.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang utos mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuel City Jail.
