SA wakas! Muling inihain sa 20th Congress ang Media Workers’ Welfare Act na magbibigay ng tunay na proteksyon at benepisyo sa mga manggagawa sa media — para sa seguridad sa trabaho, hazard pay, overtime pay, at dagdag insurance!
Pinangunahan ito ng mga solon mula Camarines Sur at Bicol, kasama sina Rep. Migz Villafuerte, Luigi Villafuerte, Tsuyoshi Horibata, at Terry Ridon. Sila ang nag-file ng House Bill No. 1985 para bigyan ng karapatan at dagdag na benepisyo ang mga journalists, cameramen, at iba pang media practitioners.
“Mga frontliners sila sa pagpapakalat ng balita, tagapagbantay ng gobyerno, pero sila rin ay exposed sa panganib at kawalan ng seguridad sa trabaho,” ani mga mambabatas. Kaya dapat ay may security of tenure at minimum wage sila, pati na rin mandatory insurance benefits tulad ng death at disability benefits!
Bukod dito, gagawa rin ng News Media Tripartite Council ang DOLE para pag-usapan ang mga problema ng media workers at employer nila.
Naging malaking usapin ito noon sa 19th Congress, pero hindi naipasa sa Senado kaya ngayon, balik-balik ang laban para matupad ang pangarap ng mga media!
