Handang tumulong si San Miguel big boss Ramon Ang, handang tumulong sa paglilinis ng mga baradong ilog sa Metro Manila para wakasan ang problema ng baha—walang gastos sa gobyerno o sa tao.
Sa press con nitong Biyernes, binalita ni Ang na isa sa malaking problema ay yung Tullahan River na tinakpan ng mga bahay, kalsada, at eskwelahan!
“Paano dadaan ang tubig kung ginawang kalsada at tinayuan ng bahay at eskwela ang ilog?” giit ni Ramon.
Solusyon niya? Alisin lahat ng bara, tanggalin mga tinayong istruktura, linisin ang waterways para umagos nang maayos ang tubig.
“Hindi kailangan ng kumplikadong solusyon. Linisin lang natin ang ilog!” dagdag niya.
Naka-volunteer na ang San Miguel para gawin ito nang libre, pero kailangan lang ng go signal mula sa mga mayor para makapagsimula.
“Sabihin lang nila kung saan may baha, agad kami pupunta!” giit ni Ramon.
Sabi pa ni MMDA at mga alkalde, swak na swak ang alok ni Ramon para sa Metro Manila.
Kamakailan, baha ang Metro Manila dahil sa habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
Ito na daw ang sagot sa problema—mula kay Ramon Ang!
