MAY bagong Tagapangulo ang Komisyon sa Wikang Filipino (itinatag 1936, nireporma 1991) si Atty. Marites A. Barrios-Taran. Kaalinsabay nito ang pagkahirang sa kaniya bilang Full Time Komisyoner, kinatawan ng Wikang Tagalog. Bago nito ay naglingkod siya bilang Direktor Heneral mula Mayo 2023 hanggang Agosto 2025. Ang pagkakahirang sa bagong tagapangulo ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang ‘Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa’. Pinalitan ni Atty. Barrios-Tan si Dr. Arthur P. Casanova na naglingkod simula Disyembre 2020 hanggang Agosto 2025. Si Atty. Barrios-Tan ang ikalabing-apat at ikalawang babaeng naging tagapangulo ng KWF.

Ang sumusunod ay ang mga naging tagapangulo simula ng maitatag bilang Surian ng Wikang Pambansa (1936-87), Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (1987-91), at Komisyon sa Wikang Filipino (simula 1991): Jaime C. De Veyra, 1937-41; Lope K. Santos, 1941-46; Julian Cruz Balmacesa, 1946-48; Cirio H. Panganiban, 1948-54; Cecilio Lopez, 1954-55; Jose Villa Panganiban, 1955-70; Ponciano B.P. Pineda, 197099; Ernesto B. Aban, 1999; Nita P. Buenaobra, 1999-2006; Ricardo Ma. D. Nolasco, 2006-08; Jose Laderas Santos, 2008-12; Virgilio S. Almario, 2012-20; Arthur P. Casanova, 2020-25; at Marites A. Barrios-Taran, simula 2025.
Ang Buwan ng Wikang Pambansa 2025 alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 ng 1997 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos (1928-2022, naglingkod 1992-98).
Ang pagdiriwang bilang pagpapahalaga sa wika ay nagsimula sa panahon ng mga Amerikano na isinasagawa tuwing 02 Abril kaugnay sa paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas (1788-1862), ang ‘Ama ng Panitikang Filipino’. Tampok sa gawain ang Timpalak Balagtasan na nilalahukan at dinadaluhan ng mga Pilipino.
Sa panahon ni Pangulong Sergio S. Osmeña (1878-1961, naglingkod 1944-46) ang pagdiriwang ay naging Linggo ng Wika na isinasagawa mula 27 Marso hanggang 02 Abril taon-taon sa bisa ng Proklmasyon Blg. 35 ng 1946. Ang huling araw ng pagdiriwang ay bilang pagkilala kay Balagtas.
Binago ang petsa ng Linggo ng Wika ni Pangulong Ramon D. Magsaysay (1907-57, naglingkod 1953-57) sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 ng 1954 na nagtatakda na ang okasyon ay isasagawa mula 13 hanggang 19 Agosto taon-taon. Ang huling araw ng pagdiriwang ay bilang pagkilala kay Pangulong Manuel L. Quezon (1878-1944, naglingkod 1935-44) na ‘Ama ng Wikang Pambansa’.
Pagsapit ng 2019 ay naging bahagi sa pagdiriwang ang pagtaguyod ng mga katutubong wika ng Pilipinas kaugnay sa pagtatalaga ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, itinatag 1945) sa taon bilang ‘Pandaigdigang Taon ng Mga Katutubong Wika’.

Narito ang Kalendaryo ng mga Gawain sa Buwan ng Wikang Pambansa 2025:
- 29 Hulyo Lunes: Press Conference sa Philippine Information Agency (PIA)
Building, Visayas Avenue, Lungsod Quezon;
- 01 Agosto Biyernes: Pambungad na Programa at ika-81 Anibersaryo ng
Kamatayan ni Manuel L. Quezon;
- 05, 12, 19 at 26 Agosto Tuwing Martes: Apat na Serye ng Webinar;
- 19 Agosto Martes: KWF Gabi ng Parangal;
- 28 Agosto Huwebes: Paglulunsad ng Aklat ng Bayan;
- 17 Mayo-27 Hunyo: Dangal ng Wika, Kampeon ng Wika, Sanaysay ng Taon; at
- 01-29 Agosto: Tertulyang Pangwika ng mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK).
Samantala narito ang detalyadong talatakdaan ng mga gawain kaugnay sa pagdiriwang:
01. 01 Agosto Biyernes 08:00-10:00 n.u.:
BnW Pambungad na Programa at Ika-81 Anibersaryo ng Kamatayan ni Manuel L. Quezon. Ginanap sa Pambansang Pang-alaalang Dambana ni Quezon, Quezon Memorial Circle, Lungsod Quezon; 02. 02 Agosto Sabado:
Tertulyang Pangwika sa Sorsogon State College (SSU) ‘Kuwentong Saliksik: Pundo de
Bista ng Mananaliksik’
03. 05 Agosto Martes 10:00 n.u.-12:00 n.t.:
Unang Serye ng Webinar: ‘Wikang Pangkasarian’ ni Rowena P. Festin (via Zoom); 04. 06 Agosto Miyerkoles:
- Tertulyang Pangwika sa Bukidnon State University (BukSU) ‘Pagtukawan at Matang Filipino, AI, at Fake News: Ang Paghubog ng Katotohanan sa Panahon ng Dihital na Disimpormasyon’;
- Seminar sa Korespondensiya Opisyal sa Kagawaran ng Badyet at Pamamahala
(DBM);
05. 07 Agosto Huwebes:
Seminar sa Korespondensiya Opisyal sa Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM); 06. 12 Agosto Martes 10:00 n.u.-12:00 n.t.:
- Ikalawang Serye ng Webinar: ‘Gampanin ng Filipino Sign Language sa Pagbabago ng
Klima’ ni Carol D. Dagani (via Zoom);
- Seminar sa Korespondensiya Opisyal sa Korte Suprema ng Pilipinas; 07. 13 Agosto Miyerkoles:
Seminar sa Korespondensiya Opisyal sa Korte Suprema ng Pilipinas; 08. 16 Agosto Sabado:
Tertulyang Pangwika sa Cebu Technological University (CTU) ‘Panag-ambit alang sa Wika, Kultura at Salin-Tek’; 09. 19 Agosto Martes:
- Ika-147 Kaarawan ni Manuel Quezon 08:00-10:00 n.u.:
Seremonya ng Pagkilala at Pag-aalay ng Bulaklak sa mga Bantayog at Dambana;
- Ikatlong Serye ng Webinar 10:00 n.u.-12:00 n.t.: ‘Pagtataguyod ng Literasi sa Wikang
Filipino: Hakbang Tungo sa Maunlad na Buhay’ ni Carol E. Balita (via Zoom); – KWF Gabi ng Parangal 06:00-08:00 n.g.: Bulwagang Romualdez, KWF; 10. 20 Agosto Miyerkoles:
- Tertulyang Pangwika sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ‘LIPAT, LAPAT, LAWAK: Pagsasariwa at Pagpapahalaga sa mga Wikang Bikolnon tungo sa ibayong Pagsulong sa Wikang Pambansa’;
- Tertulyang Pangwika sa Cebu Normal University (CNU) ‘Sa Wika Nagkakaisa: Pagtataguyod sa Katutubong Diwa at Pantay na Lipunan’;
- Tertulyang Pangwika sa Biliran Province State University (BPSU) ‘Talakayan sa Pananaliksik sa Wikang Waray’;
11. 21 Agosto Huwebes:
- Tertulyang Pangwika sa Surigao del Norte State University ‘Sanay-Palihan: Pananaliksik at Pagtuklas sa Makulay na Mundo ng Wika’;
- Tertulyang Pangwika sa Mindanao State University Tawi-tawi College of Technology and Oceanography ‘Salik-Pananaliksik-Wika-Panitikan: Makabagong-Silid ng Karunungang Pangwika 2025’; 12. 22 Agosto Biyernes:
- Tertulyang Pangwika sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) ‘LAWAG: Palakasan sa Wika: Talino, Tinig, Tradisyon’;
- Tertulyang Pangwika sa West Visayas State University (WVSU) ‘Pagpapaigting ng Katutubong Wika: Daan sa Pagkilala sa Kasaysayan at Kultura ng Bayan’;
- Tertulyang Pangwika sa Palawan State University (PSU) sa ‘Timpalak sa Pagtula at Haranahang Kultural’;
- Tertulyang Pangwika sa Kalinga State University (KSU) ‘Isang Pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa’; 13. 23 Agosto Sabado:
- Davao Oriental State University (DOSCST) na 11th SIBUWI Tertulyang Pangwika 2025;
- Tertulyang Pangwika sa Surigao del Norte State University ‘Sanay-Palihan: Pananaliksik at Pagtuklas sa Makulay na Mundo ng Wika’; 14. 24-25 Agosto Linggo-Lunes:
- Tertulyang Pangwika sa Catanduanes State University (CSU) ‘Kolokyum sa Pananaliksik-Wika: Makaagham na Palitan ng Idea tungo sa Pambansang Pagkakaisa’; 15. 26 Agosto Martes:
- Ikaapat na Serye ng Webinar 10:00 n.u.-12:00 n.t.: ‘Filipino at Wikang Katutubo:
Wika ng Malayang Pamamahayag’ ni Aurelio S. Agcaoili (via Zoom);
- Seminar sa Korespondensiya sa Kagawaran ng Migranteng Manggagawa (DMW); – Tertulyang Pangwika sa La Consolacion College Bacolod ‘Pagsaliksik at Pagsasalin ng Panitikang Hiligaynon sa Negros Occidental 2-1 Expo 2025’;
- Tertulyang Pangwika sa Carlos Hilado Memorial State University ‘Pagsaysay, Paghimo, Pagpadayon: Seminar-Worshop sa Panitikang Hiligaynon (Pagsasalaysay, Paglikha, at Pagtuloy ng Pamana);
- Tertulyang Pangwika sa University of San Carlos (USC) ‘Balik Tanaw sa Wika: Tinig ng Nakaraan, Hibla ng Kasalukuyan’; 16. 27 Agosto Miyerkoles:
- Caraga State University (CSU) ‘Pagtuki 2025: Tertulyang Pangwika ng Rehiyong Caraga’;
- Seminar sa Korespondensiya Opisyal sa Kagawaran ng Migranteng Manggagawa
(DMW);
17. 28 Agosto Huwebes:
- Tertulyang Pangwika sa Mariano Marcos State University (MMSU) ‘Saliksik, Wika, at Kultura: Pagtuturo at Akademikong Misyon para sa Organisadong Resultang
Edukasyon’;
- Tertulyang Pangwika sa Bicol University (BU) ‘Pananaliksik Forum’;
- Tertulyang Pangwika sa Mindanao State University (MSU-Main) ‘Pananaliksik: Mga
Teknik, Hamon, at Oportunidad’;
- Paglulunsad ng Aklat ng Bayan 02:00-04:00 n.h.: Bulwagang Romualdez, KWF; 18. 29 Agosto Biyernes:
- Tertulyang Pangwika sa Ifugao State University (IFSU) ‘Wika ng Bayan, Wika ng Pagkakaisa: Isang Pagdiriwang ng Filipino at Katutubong Wika’; at
- Bulacan State University (BulSu) WikTok: Sayaw at Salita (Tiktok Style Dancing Competition) at Meme-Kultura (Paglikha ng Meme sa Filipino).
Sa ngalan ng mga manunulat at buong pamunuan ng Agila ng Bayan ay mainit na pagbati ng Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!
