
DAHIL sa inaasahang pagtaas ng tubig baha na dala ng 1.9 metrong high tide sa ganap na 12:54 ng hapon, nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng shortened in-person classes ngayong Hulyo 14, 2025, sa piling mga paaralan sa lungsod.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay base sa rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Schools Division Office-Navotas.
Ang mga paaralan na may schedule ng pasok ng mga estudyante ay ang Bagumbayan Elementary School, San Roque Elementary School, Tangos Elementary School, Tangos 1 Elementary School, Tanza Elementary School at Wawa Elementary School na may pasok na 6 am hanggang10 am at 2:30 pm hanggang 6 pm.
Ganun din sa Navotas National High School, Navotas National Science High School, San Roque National High School, Tangos National High School at Tanza National High School o depende sa class schedule.
Samantala, regular naman ang schedule ng klase sa Daanghari Elementary School, Navotas Elementary School-Central, at Navotas Elementary School-1.
Ang pasok naman sa private schools ay nakaayon sa pagpapasya ng kanilang school administration.
Pinaalalahanan din ni Mayor Tiangco ang lahat, lalo na ang mga estudyante na kung nakalusong man ang mga ito sa baha, ay siguruhing manghingi at uminom ng Doxycycline sa health center o sa Navotas Medical and Wellness Center ng lungsod dahil libre aniya ito.
