

LUMAGDA sa Memorandum of Agreement sina Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 35 bagong iskolar ng NavotaAs para sa school year 2025–2026 kaugnay ng pagdiriwang ng ika-18 cityhood anniversary ng Navotas. Ani Mayor Tiangco, sa batch na ito ay mayroong 15 bagong high school scholars, pitong Navotas Polytechnic College scholars, isang merit scholar, dalawang teacher scholars, at mayroon ding 10 sa ilalim ng Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship. (JUVY LUCERO)
