June 20, 2025

HVI, tiklo sa P544K shabu sa Valenzuela

SWAK sa selda ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.5 milyong halaga ng shabu sa buy bust sa buy bust operation sa Valenzuela City.

Ayon sa District Drug Enforcement Unit (DDEU), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas “Eseng”, 33, construction worker ng Brgy. Bignay.

Nang magawang makipagtransaksiyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 7, sa koordinasyon sa PDEA laban sa suspek.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-3:35 ng madaling araw sa Northville II, Blk 1, Brgy., Bignay.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P544,000 at buy bust money. Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa nilang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office