
CAMP BGEN. VICENTE LIM, Calamba City — Nagsagawa ng isang araw na refresher at reinforcement course ang Land Transportation Office (LTO) Calabarzon, sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, para sa 138 tauhan ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) bilang mga deputized traffic law enforcers, nitong Martes sa loob ng kampo.
Layunin ng nasabing intensive seminar na higit pang palakasin ang pagpapatupad ng batas trapiko at kaligtasan sa kalsada sa buong rehiyon, gayundin ang pagkakaroon ng uniform at koordinadong implementasyon ng mga alituntunin ng LTO, mga inter-agency protocols, at wastong paggamit ng kagamitan ng mga unipormadong personnel sa kanilang trabaho bilang deputized enforcers.
Ayon kay Director Decena, patuloy ang pagdami ng bilang ng mga sasakyan sa Calabarzon bunsod ng lumalawak na urbanisasyon at pag-unlad ng ekonomiya.
Kaya naman, iginiit niyang kinakailangan ang karagdagang pwersa na may sapat na kaalaman sa pagpapatupad ng batas trapiko upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan.
More Stories
43rd PAL Manila Marathon, Babalik Na sa Hunyo 22
BARIL NG PULIS, PALITAN NG BOLO – PNP CHIEF TORRE (‘Pag di pumasa sa marksmanship)
Suspek Patay sa Buy-Bust sa Pasig; Dawit sa Ilegal na Bentahan ng Baril at Iba Pang Krimen