UMIYAK at nalungkot ang mga taong nagmamahal kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., dahil nag-positive nga ito sa COVID-19.
“Papaano mo maipapakita ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa iyong asawa na positive sa COVID-19? Hindi mo masamahan. Hindi mo mayakap. Hindi mo mahagkan dahilan sa kailangang mag-14 day isolation muli. “Sabay nito’y hindi nakakaligtaan ng inyong lingkod ang mga responsibilidad bilang Ina ng Lungsod at bilang ina ng aking mga anak,” ayon kay Mayor Lani-Mercado-Revilla.
“Isama ninyo po sana sa inyong panalangin ang paggaling ni Sen. Bong Revilla at lahat ng may COVID-19. No one is spared, may katungkulan man sa bansa o wala,” dagdag pa niya.
“Patuloy akong magiging malakas at malusog para sa ating pamilya at bayan, Papa. Palakas ka…”
Mabuti naman at negative sa COVID-19 ang kanyang mga anak at mga kapatid, umaasa si Mayor Lani na kanyang maalagaan ang kanyang asawa na nasa isolation ngayon. Through prayers, at lahat nang mga pangangailangan ni Senator Bong ay kanyang inihahanda.
Iba raw ang sakit na COVID-19, kahit na gusto mong alagaan at asikasuhin ang iyong asawa ay hindi mo magagawa dahil baka ikaw naman sng magkaroon. Nakakalungkot, pero never na mag-give up ang pamilya Revilla sa laban na ito.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?