November 24, 2024

BREAKING: Bayanihan 2 pasado na sa huling pagbasa ng Kamara

INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang kanilang bersyon ng Bayanihan to Recover as One Act.

Sa botong 242 na “yes” at anim na “no” ay inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 6953 o ang Bayanihan 2.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maratipikahan ang reconciled version ng Bayanihan 2 sa Martes or Miyerkules sa susunod na linggo.

Sa bersyon ng Kamara, kabuuang P162 billion ang inilalaan sa ilalim ng Bayanihan 2, na valid ng hanggang Disyembre 31, 2020.

Mas mataas ito kung ikumpara sa P140 billion na bersyon ng Senado.

Target ng panukalang batas na ito na tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic pagdating sa socioeconomic well-being ng lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan nang pagbigay ng ayuda, subsidiya at iba pang socioeconomic relief.

Layon din ng panukala na ma-sustain ang pag-test, trace, isolate at treat sa mga COVID-19 cases upang sa gayon ay matugunan ang economic cost at losses bunga ng pandemya.

Mula sa kabuuang P162 billion fund, P10 billion ang ibibigay na subsidiya sa National Health Insurance Program ng PhilHealth na gagamitin para sa expanded COVID-19 testing.

Pinaglalaanan ng P10.5 billion ang kinuha at kukuhanin pa lang Human Resource for Health (HRH) ng Department of Health (DOH), at para sa P10,000 risk allowance ng mga private at public healthcare workers.

Ang procurement ng mga face masks, personal protective equipment (PPE) sets, shoe covers at face shields para sa mga Barangay Health Workers, Barangay Official at iba pang indigent persons ay paglalaanan ng P3 billion.

Para naman sa pagtayo ng mga temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals at dormitories para sa mga frontliners, P4 billion ang alokasyon.

Nagkakahalaga naman ng P20 billion ang alokasyon para sa cash-for-work programs para sa mga displaced workers, at P51 billion para sa pautang ng mga government financial institutions sa mga apektadong micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Para matiyak ang food security, pinaglalaanan ng P20 billion ang direct cash o loan interest rate subsidies ng Department of Agriculture; P10 billion naman ang para sa ayuda ng DOTr sa mga apektado sa transportation sector; P10 billion para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA); P100 million para sa training at subsidies ng mga tourist guides.

Dahil sa blended learning na ipapatupad, P3 billion ang inilalaan para sa mga state universities and colleges; P600 million para sa subsidiya at allowances sa mga qualified students sa public at private Tertiary Education Institutions; P300 million para sa sa mga apektadong teaching at non-teaching personnel; P1 billion para sa karagdagang schoolarship program ng TESDA.

Makakatanggap din ng alokasyon ang mga kagawaran ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan 2: P12 billion para sa mga programa ng DSWD; P4 billion para tulungan ang DepEd sa implementation ng Digital Education, Information Technology (IT) at Digital Infrastructures and Alternative Learning Modalities; P820 million para sa programa ng DFA sa mga displaced workers.

Ang LGU ay bibigyan naman ng P1.5 billion, at P180 million para sa allowances ng national athletes and coaches whose allowances.