May 21, 2025

OSCA BUILDING SA MARIKINA, TINANGKANG NAKAWAN NG ‘DI KILALANG SUSPEK

BINULABOG ang tanggapan ng mga senior citizen sa Marikina matapos pasukin at tangkaing pagnakawan ng hindi pa natutukoy na salarin ang District Office sa OSCA Building.

Ayon sa inilabas na official statement ng bagong halal na si Marikina Mayor Maan Teodoro, “Malungkot nating ibinabahagi na nagkaroon ng forced entry at attempted theft sa ating District Office sa OSCA Building.”

Dahil sa insidente, napilitang itigil pansamantala ang ilang serbisyo ng tanggapan habang inaayos ang mga naapektuhan.

“Humihingi po kami ng inyong pang-unawa sa anumang abalang maaaring idulot nito,” dagdag pa ni Teodoro.

Samantala, wala pang kumpirmasyon kung may mga kagamitan o dokumentong nawala sa loob ng opisina.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang tukuyin ang suspek sa likod ng krimen.