
TAYTAY, RIZAL — Tuloy ang laban! Buong tapang na inanunsyo ng dating alkalde ng Taytay na si Joric Gacula ang kanyang kandidatura sa pagka-mayor, kasabay ng mainit na suporta mula sa Alliance of Unified People’s Organization in Lupang Arenda (APOLA) — isang makapangyarihang samahan ng 24 na iba’t ibang People’s Organizations mula sa komunidad ng Arenda.
Sa ilalim ng temang “Lakas ng Nagkakaisang Arenda!”, ipinamalas ng APOLA ang kanilang buong pusong suporta kay Gacula, na kilala sa kanyang adbokasiya para sa ligtas, makatao, at makatarungang pamamahala sa Taytay.
“Ang inyong suporta ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa Taytay,” pahayag ni Gacula sa kanyang mensahe ng pasasalamat. Dagdag pa niya, kasama ang APOLA sa kanyang pangarap na muling buuin at paunlarin ang bayan para sa mas maayos na kinabukasan.
Sa pagtakbo muli ni Gacula, asahan ang mas pinaigting na kampanya para sa reporma at tunay na serbisyo publiko — mula Arenda, para sa buong Taytay!
More Stories
Legends”Bata” Reyes at Marlon ” Marvelous” Manalo… BILIB SA BILYARISTANG MANDALEÑO
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
2 Chinese National, Arestado sa Bacoor Checkpoint; Baril, Daan-daang Bala, at Gadget Nakumpiska