November 24, 2024

‘Di ibinigay ni mother ang mga gamit… SARAH GERONIMO, PAULIT-ULIT LANG ANG MGA DAMIT NA ISINUSUOT

THREE months na ang nakalipas, simula ng ikasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pagkatapos ng kanilang kasal na hindi napigilan ni Ms. Divine Geronimo ay kanya itong pina-ban sa kanilang Village sa Quezon City. At si Sarah ay sa kanyang asawa na si Matteo na nauwi.

“Naiwan hong lahat ang mga gamit ni Sarah Geronimo sa kanilang tirahan, lahat ng kanyang mga clothes, shoes, at mga jewelry. During the quarantine, napuna ng mga netizen sa Matteo’s online programs na paulit-ulit lang ang damit na isinusuot ng kanilang idolo.

“Naawa ang mga fans ni Sarah, dahil lahat nga ng kanyang mga gamit at naiwan niya matapos ang kasal sa kanilang bahay. Subalit ang kanyang Mommy Divine, at Hindi nagka-interest na ibigay ito kay Sarah. Ganun paman, hindi ito naging hadlang para makapagpasaya ng kanyang mga fans itong si Sarah Geronimo,” kwento pa ng aking source.

Hindi naman big deal iyan kay Sarah. Any time naman ay pwede siyang bumili, magkaroon lang siya ng oras.