December 24, 2024

Resbak ni Robin Padilla kay Trillanes: KUNG SA PAGIGING PERWISYO SA INANG BAYAN NANGUNGUNA KA!

Muli ay nagkasagutan sina Robin Padilla at dating Senator Antonio Trillanes dahil sa kanilang magkasalungat na opinyon na may kinalaman sa pulitika.

Kilala si Binoe na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte habang si Trillanes ay matinding kritiko ni Digong.

Sinagot ni Trillanes ang unang pahayag ni Robin na magtrabaho na lang daw at huwag nang magreklamo.

Sa kanyang Tweet, “Sabi ni Robin, mgtrabaho na lang daw at ‘wag na magreklamo. Ano? #1 na tayo sa pinakamaraming COVID cases sa SE Asia, habang parang nglalaro lang si Duterte at ‘di alam ang ginagawa. Basta, isa ka sa salarin kung bakit naging presidente yang si–ulong yan. Malaking perwisyo ang dinulot n’yo sa Pilipinas.”

Buwelta naman ni Binoe sa kanyang Instagram.

“Mr. Antonio Trillanes who was educated by our taxes then after he took over Aakwood planting C4 explosives endangering civilian lives taking Makati as his hostage not once but twice.”

“Mr Trillanes, unang una wala akong sinabi na magtrabaho. pangalawa schoolmate sa Siena College. Kung sa pagiging perwisyo sa Inangbayan ay nagunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderee ka. Naapektuhan lang ang ekonomiya ng Pilipinas kaya talo na naman ang taumbayan pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka. Parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pinoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon.”

“Pakiusap ‘wag mo ako idamay sa away ninyo sa pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kandidato sa 2022 na katulad mo. I call myself revolutionary because I do not join governments. I fight governments and that is what president Duterte and this government is doing fighting the system of government and its oligarchs that was founded by the Magdalos of Emilio Aguinaldo. Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni Mayor PRRD na maging vice president candidate niya naghuramentado ka na at parang kang bata na nagngangangawa. Puro batikos puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon doon na palaban ka na ba talaga?”

“Sinabi na ni pangulo na nag-take-over na ang China sa South China Sea/West Philippine Sea bakit hindi ka roon magmatapang gusto mo samahan na kita para isang Magdalo at may pag-asa katipunero ang mag umpisa ng kabayanihan doon,”

“Mr trillanes pinili ko ang pagka-Filipino ko at karapatan ko ang magsalita laban o pabor sa inyong mga pulitiko! Karapatan ko ang mamili ng aking susuportahan at lalabanan na pulitko. Hindi kita inaano o binabangga magmula nang hindi ka na maging senador bilang respeto sa iyong pamilya kaya’t umayos ka rin.”

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng iringan ang dalawa. Taong 2018 nang magkasagutan ang dalawa dahil sa parehong dahilan.