April 24, 2025

Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan binaril sa harap ng publiko – patay agad!

RIZAL, CAGAYAN – Ginulantang ang buong bayan ng Rizal matapos tambangan at mapatay si Mayor Joel Ruma habang nasa campaign sortie sa Barangay Illuru Sur nitong Miyerkules ng gabi, Abril 23.

Bandang 9:30 p.m., pinaputukan si Ruma, na tinamaan sa kanang balikat at lumusot ang bala sa kanyang dibdib. Agad siyang isinugod sa Tuao District Hospital pero dead on arrival na siya pagdating ng 10:31 p.m.

Dalawa pang kasamang sibilyan ang tinamaan ng bala — isa sa siko, at isa pa sa dibdib at ibabang likod. Parehong dinala sa ospital para sa mas masusing gamutan.

Agad na naglunsad ng hot pursuit operations ang mga awtoridad. Itinaas ang alerto sa checkpoints sa mga kalapit-bayan para habulin ang mga suspek.

🔍 Ayon sa PNP Forensic Unit, kasalukuyang iniimbestigahan ang crime scene habang nananawagan ang kapulisan sa publiko:
“Kung may alam kayo, huwag magdalawang-isip—ipagbigay-alam sa amin para sa hustisya!” panawagan ni Police Brig. Gen. Antonio Marallag Jr., hepe ng PRO2.

“Mariin naming kinokondena ang karahasang ito, lalo na’t papalapit na ang halalan. Hindi kami titigil hangga’t may hustisya sa mga biktima,” dagdag pa niya.

Karahasan sa kampanya, muling sumiklab!
Tanong ng taumbayan: Sino ang may pakana at bakit? Abangan ang susunod na kabanata!