June 9, 2025

Colmenares, kumpyansa na panalo ang impeachment case laban kay VP Sara

Taliwas sa paniniwala ni Vice President Sara Duterte, malakas ang kumpyansa ni Bayan Muna Chairman and Counsel Atty. Nerry Colmenares na maipapanalo ang inihaing impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum kahapon, binigyang diin ni Atty. Colmenares na siya at Bayan Muna ay kumpyansa na mabigat ang impeachment complaint na kanilang isinampa dahil na din sa basehan ng reklamo.

Mabigat aniya ang kasong ” betrayal of public trust at malversation ng public fund ” na hanggang ngayon ay hindi pa naipapaliwanag kung saan napunta ang multi -million  confidential funds ng opisina ni Duterte na naubos sa loob ng labing -isang araw.

” The impeachment complaints, were very confident, is very strong. Of course it’s not surprising for the Vice President to say na malakas din ang kaso nya,” saad ni Colmenares.

Nauna dito ang pahayag ni VP Sara na malaki ang pag-asa na manalo ang kanyang kaso matapos na makipag-usap sa kanyang mga abogado hinggil sa impeachment complaints na kanyang kinakaharap.

Idinagdag pa ni Colmenares na ang hindi magsagot at pagpapakita ng ebidensya makalipas ang ilang buwan ay patunay lamang na malakas ang kaso ng impeachment laban kay Vice President Duterte.

Naniniwala din si Colmenares na babase ang prosekusyon mga mga ebidensya na kanilang inihain.

” Once the midterm  elections are over, the lawmakers standing bothin fhe defense and prosecution panel during the trial may have better judgement of the case based on evidence,” dagdag pa ni Colmenares.

Magugunitang, noong February 5, pinagbotohan sa kongreso ang impeachment ni VP Sara, kung saan 200 mambabatas ang bumoto at sumang-ayon para maisakatuparan ang complaint.

Samantala, ayon kay Senate President Chiz Escudero , ang  decision para impeachment complaint nakatakdang lumabas sa Oktubre ng taong kasalukuyan.

Habang ang impeachment trial ay sisimula  ng senado sa katapusan ng Hulyo. (Mina Paderna)