
Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa loose firearms, naitala ng Central Luzon police ang pagbaba ng crime incidents sa kanilang area of responsibility (AOR) mula Enero 12 hanggang Marso 23 ngayong 2025 kung ihahambing sa parehong period noong nakaraang taon.
Ayon sa Police Regional Office sa Central Luzon (PRO-3), bumaba ang kabuuang insidente ng krimen mula 7,360 noong 2024 sa 7,149 ngayong taon.
Kinabibilangan ng insidente ang walong focus crimes — murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, carnapping of vehicles at carnapping of motorcycles — na bumaba rin mula 638 in 2024 sa 570 ngayong taon.
Iniulat din ng PRO-3 nagresulta ang kanilang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms mula sa parehong period sa pagsuko o pagbawi sa 1,377 firearms na may expired na lisensiya at pagkakakumpiska sa 384 sa pamamagitan ng checkpoints at targeted operations.
Nauwi rin ang crackdown sa pagkakaaresto sa 350 indibidwal para sa illegal possession of firearms.
“This accomplishment underscores our dedication to combating criminality and safeguarding communities,” ayon kay PRO-3 Director Brig. General Jean Fajardo. “By reducing the presence of loose firearms, we are minimizing potential threats and reinforcing security in Central Luzon,” dagdag niya.
Hinimok din ni Fajardo ang mga residente na manatiling mapagmatiyag at isumbong ang anumang illegal firearms o suspicious activities sa pulisya.
More Stories
DEATH TOLL SA MYANMAR QUAKE, UMABOT NA SA 2,056
1,057 PDLs laya na – BuCor
Mabilis na pagpapauwi sa 29 Indonesian nationals na nasagip sa POGO operations pinuri ni Gatchalian