
OPISYAL nang ipinagbawal ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation flights na mayroong layover para sa foreign nationals na sangkot sa mga krimen na may kinalaman sa POGO.
Napag-alaman na sa ilalim ng BI Board of Commissioners Resolution no 2025-002, na may petsang Marso 21, 2025, ang mga deported na foreign national na may kaugnayan sa POGO ay maari lamang isakay sa direct flights patungo sa kanilang bansa, maliban na lamang sa mga kaso na walang direct route mula sa Pilipinas.
Pinag-aaralan na rin ng BI ang karagdagang security enhancements para sa deportation procedures, kabilang ang mas mahigpit na koordinasyon sa law enforcement agencies sa ibang bansa.
Nagpasya ang mga awtoridad na ibawal ang deportation flights na may layover matapos isulong ng mga senador ang mas mahigpit na mga hakbang upang maiwasan ng mga high-profile na kriminal na manipulahin ang deportation protocols at kasunod ng mga ulat ng pagtakas sa mga stopover.
Nakikipag-ugnayan na ang BI sa Department of Justice (DOJ), mga airline, at foreign embassies upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng bagong direktiba. (ARSENIO TAN)
More Stories
VICO SOTTO SUSUNOD NA PANGULO (Suportado ni Vic Sotto)
TRILLANES NAIS GAYAHIN SI VICO SOTTO (Para sa pagbabago ng Caloocan)
4 na pulis sugatan sa engkuwentro sa Guinayangan, Quezon