March 17, 2025

1,750 Pinoy namatay sa rabies – DOH

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang mga Filipino na pabakunahan taon-taon ang kanilang mga alagang hayop, matapos maiulat ng ahensiya ang bilang na 426 rabies-related deaths noong nakaraang taon.

Batay sa datos na inilabas noong Sabado, sa kabuuang bilang ng mga kaso, 193, o 45 porsyento, ay dulot ng pagkagat ng kanilang mga alaga, karaniwang mga aso o pusa.

Sa kabuuang kaso ng rabies, 41 porsyento ay dulot ng mga hindi nabakunahang alagang hayop, habang 56 porsyento ay kinasasangkutan ng mga hayop na may hindi tiyak na kalagayan ng pagbabakuna.

Pinakamalaking naitalang bilang ng mga kaso ng rabies ay sa mga rehiyon ng Central Luzon (56), Soccsksargen (43) at Calabarzon (35).

Ayon sa DOH, nitong nakaraang limang taon, umabot sa 1,750 Pinoy ang namatay dahil sa rabies.

Halos doble rin ang bilang ng kaso ng rabies na naitala, mula 235 cases noong 2020 at 426 noong 2024.

Mula Enero 1 hanggang Marso 1 ngayong taon, nakapagtala ang DOH ng 55 rabies cases – 39 percent kung ikukumpara sa 90 cases na naitala sa parehong period noong nakaraang taon.

“Rabies is dangerous and fatal. The fatality rate for cases in 2024 was 100 percent. It can be transmitted through bites, scratches, or saliva from a rabid animal if it comes into contact with an open wound, eyes, nose, or mouth,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang pahayag.

Kalamitang lumalabas ang sintomas ng rabies dalawa hanggang tatlong buwan matapos makagat o makalmot ng hayop. Gayunpaman, maari ring lumabas ang sintomas ng ilang linggo o abutin ng taon, depende sa dami ng virus na pumasok sa katawan ng pasyente at kung saan ito nakagat o nakalmot.

“In humans, symptoms of rabies include fever, weakness and swelling of the wound. As the disease progresses, it can lead to fear of water and air, confusion and paralysis. As the virus spreads, it causes rapid inflammation of the brain and spinal cord, ultimately leading to certain death,” ayon kay Herbosa.