
Bilang bahagi ng plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na patuloy na paluwagin ang New Bilibid Prison (NBP) at ang ultimate closure nito sa taong 2028, isa pang batch ng 500 person deprived of liberty (PDLs) ang inilipat kahapon sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga.
Kabilang sa mga inilipat ang 56 PDLs na nanggaling sa Maximum Security Camp at 444 naman sa Medium Security Camp ng NBP.
Sa ilalim ng patnubay ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., pinangunahan ang nasabing operasyon ng isang robust team na 141 escorts, na pinamunuan ni Chief Inspector Henry Avila. Umalis ang convoy mula sa NBP dakong alas-2:45 ng hapon, patungo sa Manila Port at isinakay sa vessel para ihatid sa SRPPF.
Ipinahayag ni Catapang na bago matapos ang Abril, ililipat naman ang karagdagang 300 PDLs patungo sa Palawan Prison and Penal Farm, 400 sa Sablayan Prison and Penal Farm, at isa pang 300 sa Davao Prison and Penal Farm. Layon ng systematic redistribution na ito na bawasan ang pasanin ng NBP at tiniyak din na magpapatuloy ang maayos na pagtratro at rehabilitation programs para sa lahat ng mga bilanggo.
“The planned closure of the NBP by 2028 is a significant move that echoes the government’s commitment to prison reform. The ongoing decongestion efforts are crucial not only for the rights and welfare of the inmates but also for enhancing public safety and security,” ayon kay Catapang.
Dagdag pa niya na sa pamamagitan ng pagtugon sa mga isyu sa mga overcrowding na piitan, naniniwala ang BuCor na maaari silang lumikha ng isang mas mapangasiwaan at rehabilitative na kapaligiran para sa mga PDL.
“Under the Bagong Bucor sa Bagong Pilipinas, our goal remains clear: to transform the correctional landscape in the Philippines into a system that prioritizes rehabilitation over punishment,” dagdag ni Catapang.
More Stories
Inagurasyon ng LPGHSTC pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar
17 GAMOT ISAMA SA VAT EXEMPTION (Rekomendasyon ng FDA, suportado ni Gatchalian)
1,750 Pinoy namatay sa rabies – DOH