
Inupakan ni House Deputy Majoirty Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang mga toxic na netizen na nagkokomento sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga kasong kinakaharap nito hinggil sa drug war.
“Noong panahon ho ng COVID lahat naging doctor. Noong bumagsak po yung tulay sa Cabagan (Isabela), lahat naging engineer. Ngayon naman po lahat attorney. Kahit hindi pa nga nakapagtapos, nakapag-aral, lahat ay attorney na, may opinyon,” ayon kay Tulfo.
“Hayaan ho natin at mag-observe na lang ho tayo dahil lahat naman po tayo ay mga miron,” dagdag niya. “Wag ho natin na yung opinyon natin ilagay ho natin sa social media, this and that. Kasi ang problema ho, kaging nagugulo. Wag na ho natin dagdagan yung problema ng bayan.”
Binigyang-diin ni Tulfo na hindi pa dinidinig ng International Criminal Court (ICC) ang naturang kaso at nanatiling inosente si Duterte hangga’t hindi ito napapatunayang guilty.
“Unfortunately may mga nababasa po ako sa social media na ‘Tama lang yan,’ etc. Doon ho nag-aaway yung dalawang grupo (pro and anti-Duterte),” saad niya.
“Pero kung ako ho ang tatanungin mo, let justice take its due course,” dagdag niya.
Giit ni Tulfo na may iba pang mga kagyat na isyu sa bansa na kailangang tugunan.
More Stories
MARAMI PANG SISIBAKIN SA BI DAHIL SA PAGTAKAS NG PUGANTENG KOREANO
BASTE KAY MARCOS: PINAKULONG MO NAGPALIBING SA TATAY MO, P***** I** KA!
Ang Marso ay Kaarawan ng Apat na Pangulo