March 16, 2025

BASTE KAY MARCOS: PINAKULONG MO NAGPALIBING SA TATAY MO, P***** I** KA!

MINURA ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte nitong Linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nitong hayaan ang International Criminal Court (ICC) na ikustodiya ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“‘Yung tatay mo (Marcos Sr.) pinalibing ng tatay ko (Duterte), pero yung tatay ko pinakulong mo. P***** i** ka!” mensahe ni Baste sa 88th Araw ng Dabaw celebration sa Davao City.

Matatandaan na pinayagan ni dating Pangulong Duterte si Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City noong 2016 sa kabila ng matinding batikos mula sa publiko, partikular ang human rights advocates na nakipaglaban sa diktaduryang Marcos.

Sinabi rin ni Mayor Duterte na sila ay “titindig” at “lalaban” sa diumano’y ilegal na pag-aresto sa kanyang ama. Pinataamaan din ni Mayor Duterte si Marcos na kailanman ay hindi raw ito mamahalin ng mga Duterte supporters.

“It seems to me the stories that I’ve heard about Martial Law and oppression are synonymous with the Marcos family name,” saad niya.

“Mr. President Marcos, you will never be loved, especially by us who are calling out Rody Duterte’s name. You will never be loved, Mr. Marcos,” dagdag niya.

Sigaw naman ng mga Duterte supporters, “Marcos resign.”

Hiningi naman ng Agila ng Bayan ang komento ng Palasyo hinggil sa tirada ni Baste pero wala pa tayong natatanggap na tugon.