March 16, 2025

Unity walk, peace covenant signing sa Makati tagumpay

Matagumpay na naisagawa ang unity walk, inter-faith rally at pagpirma ng peace covenant na nilahukan ng mga aspirante sa iba’t ibang posisyon sa Makati City nitong Sabado.

Pinangunahan nina Mayor Nancy Binay at dating Vice President Jejomar Binay kasama si dating Congressman Monsour del Rosario ang “Una ang Makati” candidates sa naturang aktibidad.

Layunin ng unity walk at peace covenant signing na makamit ang mapayapa at matagumpay na May 12 national and local elections.