March 14, 2025

BALLOT PRINTING POSIBLENG MATAPOS NGAYONG MARSO 15 —COMELEC 

POSIBLENG matapos na ngayong Marso 15 ang pag-imprenta sa official ballot na gagamitin para sa Mayo 12 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, na nitong Marso 13, tinatayang nasa 66 milyon na balota ang natapos nang iimprenta kaya’t tanging 1.4 milyon na lang ang kinakailangang i-imprenta.

Ang mga balotang ito, aniya, ay maaring matapos ng Biyernes ng gabi. Dagdag pa nito, ang reprinting ng 2.3 milyon balita ay posibleng abutin hanggang Sabado.
“Matatapos bukas ng gabi ang printing ng balota, may ilan lang tayong reprints… Mga Sabado ng umaga matatapos na kasama ang reprints,”  saad ni Garcia.

Matapos ang pag-imprenta, sinabi ni Garcia na tutukuan naman nila ang verification na inaasahang matatapos sa Abril.

Sa kasalukuyang, natapos na ng Comelec ang verrication sa 33 milyon na balota.

“Ang verification aabutin pa kami ng bandang mga April katulad ng nabanggit natin dati. At least yung printing kung matatapos tayo hanggang Sabado, maaga pa rin base sa ating naging declaration dati,” aniya. (ARSENIO TAN)