November 24, 2024

XFL, binili ni ‘The Rock’ kay WWE chief Vince McMahon

Binili ni Dwayne ‘The Rock’ Johnson ang XFL kay WWE Chairman Vince McMahon sa £11.5million deal.

Inanunsiyo ni McMahon, owner ng American football league na ni-relaunched niya ang liga ngayong taon. Ngunit, nagkaroon ng financial chaos dahil sa COVID-19 pandemic.

Unang sumalang ang XFL noong 2001. Ngunit, itinigil pagtapos ng 1 taon. Napaulat na muling nagpalabas ng pera si McMahon upang maibalik ito ngayong taon.

Gayunman, pagtalipas ng 5 weeks ng new season, napilay ang XFL dahil sa COVID-19. Kasunod nito ang pag-filed ni McMahon ng bankruptcy noong Abril.

Nang maisalang sa auction ang liga, sumali si Johnson pati ang ex-wife nitong si Dany Garcia. Gayundin ang investment firm na RedBird Capital upang bilhin ang franchise.

With my trail blazing partner @DanyGarciaCo & Red Bird Capital, we have acquired the XFL,” sabi ni The Rock.

“With gratitude & passion I’ve built a career with my own two hands and will apply these callouses to our @xfl2020 brand. Excited to create something special for the fans!”

With pride and gratitude for all that I’ve built with my own two hands, I plan to apply these callouses to the XFL, and look forward to creating something special for the players, fans, and everyone involved for the love of football,” aniya.

Si The Rock ay nanalo noon ng national title sa American football sa University of Miami noong 1991. Kalaunan, sinundan nito ang yapak ng kanyang ama sa paglusong sa wrestling (WWF).