March 9, 2025

PUGOT NA ULO NG ASO, DEATH THREAT AT MGA BALA INIREGALO SA BIRTHDAY NG MAYOR NG MULANAY, QUEZON

Dumulog sa tanggapan ng Mulanay Municipal Police Station ang personal driver/body guard ni incumbent Mulanay, Quezon Aritotle Lim Agurre para ipagbigay alam ang kanilang natagpuang kahon na may laman na pugot na ulo ng isang aso, sulat na mayroon mensahe ng pagbabanta at mga bala para sa nasabing alkalde sa Sitio Bahaga, Barangay Amuguis ng nabanggit na bayan.

Ayon sa salaysay ng driver/body guard na si Mark Kaven Rogel, 35-anyos, ipinarada niya ang sasakyang Toyota Fortuner na kulay itim na may plakang NGS1706 kasama ang isang aide na si Van Mac Amador NapeƱas, sa naturang lugar.

Nang balikan umano nila ang sasakyan ng alkalde ay natagpuan nila ang isang kahon sa ibabaw nito na pinaglagyan ng ulo ng aso at dalawang piraso ng bond papers na may nakalagay na katagang “Mayor Happy Birthday Ikaw na ang susunod na mapupugutan at may tatlong piraso ng bala para sa pamilya at sa iyo.”

Nadiskubre din ang tig-3 piraso ng mga bala ng M16, 3 piraso ng mga bala para sa kalibre 45 na baril at 3 piraso ng caliber 38. Inaalam na ngayon ng Mulanay PNP ang mga posibleng pagkatao ng mga suspek na nag-iwan ng kahon at nagsasagawa na rin ng technical investigation and back tracking para sa mga kuha ng CCTV malapit sa lugar ng insidente. (KOI HIPOLITO)