
Nanlulumong nagsumbong sa mga awtoridad ang tatlong mga kababihan makaraang pasukin sila ng hindi pa kilalang suspek na isang manyakis na magnanakaw na lumimas sa kanilang mga personal na gamit tulad ng Laptop, cell phones, mga alahas, ATM cards at perang aabot sa halagang P120,000 at ginahasa pa ang isa sa mga biktima sa kanilang inu-upahang kuwarto sa 3rd Floor ng Maximus Building, Purok Kamagong, Brgy.9 sa Lungsod ng Lucena, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Alyas “Jane”, 22-anyos, 2. Alyas “Mae”, 18-anyos at Alyas “Lily”, 23 taon gulang.
Base sa salaysay ng mga biktima pasado alas-7:00 ng umaga araw ng Miyerkules nang pasukin sila ng nag-iisang suspek na nakasuot ng itim na jacket, maong pants at face mask at tinutukan ng patalim saka itinali gamit ang sintas ng sapatos saka isa isang kinuha ang kanilang mga gamit.
Hindi pa umano nakuntento ang suspek pinaghahawakan din umano ang kanilang mga dibdib at ginahasa ang biktimang si alyas “Jane”, bago tumakas ang suspek.
Nagsasagawa na ngayon ng follow up and hot pursuit operation ang Lucena City PNP at pinag aaralan na din ang mga kuha ng CCTV malapit sa lugar para sa agarang pagdakip sa suspek na rapist na magnanakaw pa. (KOI HIPOLITO)
More Stories
PAGBIBITIW NI DICT CHIEF IVAN UY TINANGGAP NG PANGULO – PALASYO
MABILIS NA PAGPAPATALSIK SA MGA NAARESTONG POGO WORKERS, ‘TOP PRIORITY’ NG BI
DEPED TINANGGAL 55 PRIVATE SCHOOL SA SHS VOUCHER PROGRAM