
“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa.”
Ito ang ipinahayag ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI) matapos niyang kondenahin ang patuloy pangangamkam ng bansang Tsina sa Palawan na itinuturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o ang Law of the Sea.
Nanindigan si Goitia na tumatakbo din bilang first nominee ng “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist kasama ang libo-libong kasapi ng kanilang organisasyon na maituturing na paglapastangan sa soberanya ng Pilipinas ang ginagawa ng Tsina.
Ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list Numero 134 sa balota na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers kasama ang mga kasapi ng Peoples Alliance for Reform and Democracy (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Indepencia sa Pilipinas( LIPI) ay tahasang kinokondena ang pagyurak sa dangal ng mga Pilipino.
“Isang malaking insulto sa ating mga Pilipino ang ginagawa ng Tsina dahil sa kanilang hindi makatuwirang pagsalungat sa mga pinaiiral na batas sa ilalim ng International Maritime Law (Law of the Sea) katulad paglalagay ng hindi wastong siyam na dash line assertion” ayon pa kay Goitia.
Binatikos din ni Goitia ang pagpapakalat ng Tsina ng maling impormasyon na maaring magdulot ng hindi pagkakaumawaan na maaaring pagsimulan ng kaguluhan sa aspetong soberanya, kalayaan sa nabigasyon at maging sa maayos na pangangalakal ng ibat-ibang bansa.
Sinang -ayunan din ni Goitia ang naging desisyon sa ilalim ng United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na ang Palawan ay bahagi ng Pilipinas base na rin sa geographical na location nito ay sapat na ebidensya na nagpapatunay na ang Palawan ay isang hindi maihihiwalay na bahagi ng arkipelago ng Pilipinas. Maging ang mga tubig na nakapaligid dito kasama ang kanlurang dagat ng Pilipinas ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone at continental shelf ng Pilipinas.
Idagdag pa ang pagpapatunay ng mga historikal at legal na kasunduang pandaigdigan katulad ng Kasunduan ng Paris 1898, Kasunduan ng Washington noong 1900, Kongbensyon ng Estados Unidos at Britanya noong 1930 at ang Kalayaan ng Pilipinas noong 1946 kung saan nakuha ng Pilipinas ang soberanya sa Palawan sa pagkuha ng kalayaan.
“Napakaganda ng Palawan dahil sa taglay nitong likas na yamang dagat, mga reserbang langis at gas na gustong pakinabangan ng Tsina kaya gusto nila itong angkinin” ayon kay Goitia.
“Ipaglaban natin bilang Pilipino hindi lamang ang Palawan maging ang karapatan nating mga Plipino para sa ating bansa para sa mga susunod pang salinlahi. Huwag nating hayaang kamkamin at kunin ng mga dayuhan kung ano ang talagang para sa atin,” dagdag pa ni Goitia.
Ang Palawan ay isang archipelago na binubuo ng 1,780 na malalaki at maliliit na isla, bahagi ito ng MIMAROPA na kinabibilangan ng probinsya Occidental Mindoro, Oriental Mindoro Oriental at, Marinduque at Romblon. (MARISA SON)
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA
‘Fire Prevention Month’ sa Las Piñas City pinangunahan ni Cynthia Villar, BFP