
Labis ang pagkadismaya ni Senador Bong Revilla sa contractor ng substandard construction ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela, kung saan ang isang bahagi nito ay gumuho ilang araw lamang matapos itong buksan sa trapiko.
Sinabi ni Revilla na dapat may ulong gumulong upang mapapanagot ang mga opisyal ng gobyernong nagpabaya kaya’t humantong sa naturang insidente.
Hiniling ng senador na ilagay sa blacklist ang contractor sa likod ng konstruksyon ng bumagsak na tulay.
Ang contractor ay ang R.D. Interior Jr. Construction.
“Ganunpaman, dapat ma-blacklist ang contractor niyan at parusahan, at dapat ayusin nila ang tulay without any additional cost to the people,” saad ni Revilla.
Ang nasabing tulay, na nagkakahalaga ng ₱1.225 bilyon, ay itinayo sa loob ng pitong taon simula noong 2017, ngunit sa isang sandali lamang, ang isang bahagi nito ay bumagsak matapos dumaan ang isang trak.
Ayon kay Revilla dapat ding may managot sa DPWH dahil sa substandard na tulay.
“Dapat din na panagutan ito ng DPWH, specifically ng kanilang mga engineers na in charge dun sa project,” giit ni Revilla.
“Hindi dapat nakakalusot sa DPWH ang ganito. Pitong taon binuhusan ng pondo ng bayan, tapos dalawang buwan pa lang giba na. Billions of funds are spent on public infrastructure and the minimum requirement should be structural integrity,” dagdag niya.
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!