
Ipinahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ang kanyang mga tagasuporta ay mga totoong tao na aktibong nagpapakita ng kanilang suporta para sa kanya at sa kanyang administrasyon, at hindi mga online troll o “keyboard warriors.”
Sa kanyang pinakabagong vlog na na-upload sa kanyang mga social media page noong Linggo, Marso 2, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pagpapahalaga sa mga taong dumadagsa sa mga sortie ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate, sinasabing ang kanilang presensya ay nagpapatunay ng pagiging lehitimo ng kanyang political base.
Binibigyang-diin ng Pangulo na ang mga tagasuportang ito ay hindi lamang mga ‘anonymous social media accounts, kundi mga totoong indibidwal na nakikipag-ugnayan sa kanya nang personal.
“Ang isa sa mga kinatutuwa ko sa mga rally na pinupuntahan namin ay nakikita ko mismo ang mga sumusuporta sa atin sa Alyansa,” saad niya.
“Hindi lang ito mga keyboard warrior o troll. Mga totoong tao po sila.
Sa kabila ng mga online na pag-atake at maling impormasyon, sinabi ni Marcos na mananatiling nakatuon sa pamamahala ang kanyang administrasyon.
Binanggit din niya ang mga testimonya ng mga Pilipino na direktang nakinabang mula sa mga proyekto ng gobyerno bilang patunay ng mga nagawa ng kanyang administrasyon.
“Isa pang hindi nila pwedeng i-fake ay ang mga tunay na testimonya mismo ng ating mga kababayan tungkol sa mga proyekto at programa ng pamahalaan,” saad niya.
“Kampanya man o hindi, walang pipigil sa pagseserbisyo ng ating pamahalaan,” dagdag niya.
Matagal nang inaakusahan ng mga kritiko ang kampo ng Marcos na gumagamit ng mga social media network upang manipulahin ang pampublikong pananaw, isang akusasyong paulit-ulit na pinabulaanan ng Pangulo.
Samantala, hinimok ng Pangulo ang publiko na maging maingat sa maling impormasyon, na inilarawan niya bilang laganap sa panahon ng kampanya. “Kakambal ng kampanya ay ang mga intriga at batuhang-putik na tinatawag na fake news,” aniya.
Larawan mula sa Council on Foreign Relations
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!