
SUGATAN ang anim na katao nang gumuho ang bahagi ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Cabagan, Isabela na kabubukas pa lamang ngayong buwan.
Bumigay ang tulay nang dumaan ang isang dump truck na kargado ng mga bato.
Nadamay sa pagguho ang apat na sasakyan.
Iniulat ng Cabagan Rescue Team 911, nagtamo ng minor injuries ang lima sa biktima at dinala sa Milagros Albano District Hospital. Habang kritikal ang tama sa ulo at katawan ng isang bata na dinala sa Cagayan Valley Medical Center para gamutin.
Nawawala naman ang driver at pahinante ng truck at posibleng tumakas matapos ang aksidente.
More Stories
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City
THAI NATIONAL ISINUKA NG MANILA BAY