March 1, 2025

Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet

SINAMPAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng cybercrime complaint si Isabela vice mayoral bet Jeryll Harold Respicio kaungay sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa umano’y pagmamanipula ng resulta sa Eleksyon 2025.

Pormal na nagsampa ng kaso si Comelec Chairperson George Erwin Garcia sa Manila Prosecutors’ Office nitong Biyernes.

“Ito ay napaka-dangerous, napakamapanganib. Maliban sa misinformation, napakamapanganib sapagkat isipin niyo ngayon pa lang kinokondisyon ang sambayanan na pupuwedeng gawan ng paraan [ang pagakapanalo sa eleksyon],” saad Garcia.

“Hindi ang Comelec ang tinitira niya dito, kundi ang buong proseso at integridad ng ating halalan. Hindi papayag ang Comelec sa mga ganito,” dagdag pa niya Garcia.

Sa isang video na kumalat sa social media, iginiit ni Respicio na mayroong “backdoor programs” na maaaring gamitin upang baguhin ang resulta ng halalan sa pamamagitan ng Automated Counting Machines. Nagpakita pa umano siya ng isang “demonstrasyon” kung paano ito maaaring gawin, na nagdulot ng pangamba tungkol sa integridad ng eleksyon.

“Hindi ang Comelec ang tinitira niya dito, kundi ang buong proseso at integridad ng ating halalan. Hindi papayag ang Comelec sa mga ganito,” ayon kay Garcia.

“In fact, gusto naming sabihin, ganito rin ang gagawin ng Task Force KKK, whether yung sasabihin ang ilalagay sa social media o misinformaiton o disinifomation o fake news laban sa isang kandidato, party-list o botante,” dagdag niya.

Tumatakbong vice mayor si Respicio sa bayan ng Reina Mercedes. Siya ay isang abogado at certified public accountant (CPA).

Sa isang pahayag, sinabi niya na ang reklamo ay isinampa dahil “inilantad” niya ang mga kahinaan ng election machines.

“Kinasuhan ako ng COMELEC dahil sa Facebook video kung saan inilahad ko ang malubhang kahinaan ng voting machines,” saad niya,

“Kapag nakakonekta sa Internet ang machine bago i-print ang election returns, maaaring madaya ang eleksyon. Bukod sa abugado, isa akong IT expert,” dagdag ni Respicio.

Ibinunyag ni Garcia na plano rin ng task force na magsampa ng kasong diskwalipikasyon laban kay Respicio, pati na rin ng disbarment case sa harap ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at isang kaso para sa pagbawi ng kanyang lisensya sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nanawagan din ang chairman ng COMELEC sa publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng mga impormasyong may kinalaman sa eleksyon sa social media. Binalaan niya na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon ay maaaring magkaroon ng malalim na epekto.

“Tutugunan namin nang seryoso ang anumang pagtatangkang sirain ang integridad ng ating halalan. Sapagkat ang integridad ng eleksyon ang pundasyon ng ating demokrasya at dahilan kung bakit patuloy na naniniwala ang taumbayan na ang halalan ay bahagi ng ating demokratikong proseso,” diin ni Garcia.

Ang hakbang ng COMELEC ay nagpapakita ng matatag nitong paninindigan laban sa maling impormasyon habang naghahanda para sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan.