![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-60.png)
Nagsagawa ng isang makasaysayang kick-off motorcade rally ang isang grupo ng party-list na kumakatawan sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas kaninang umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila bilang hudyat ng pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan ngayong Mayo 2025.
Mahigit na 200 sasakyan ng mga fire and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000 supporters mula sa ibat-ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) No. 134 sa balota .
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.
Ayon kay Ka Pep Goitia maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan ng mga fire volunteers and rescuers na katuwang sa mabilis na pagtugon sa mga sunog, sakuna at kalamidad sa bawat komunidad sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Ka Pep Goitia na magsusulong sila ng batas para magkaroon ng benepisyo ang lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers
Layunin din ng kanilang grupo ang pagpapaulad ng kakayahan ng bawat Pilipino at magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagtugon at paghahanda sa lahat ng kalamidad na darating sa ating bansa.
Ang campaign period para sa mga tumatakbo sa national position ay tatagal ng 90 araw na mag uumpisa mula Pebrero 11 at magtatapos sa Mayo 10 alinsunod sa batas na ipinanukala ng Commission on Election (Comelec).
Sa opisyal na listahan ng Comelec, nasa 155 na party list group ang magtatangkang maglaban- laban para makakuha ng posisyon sa 63 bakanteng pwesto para sa Kongreso.
More Stories
Bong Revilla, Villar at iba pa pormal nang inendorso… MGA PAMBATO NI MARCOS SA PAGKA-SENADOR WALANG BAHID NG DUGO, KORAPSYON
Survivor sa “Superman stunt” sa Marilaque binawian ng driver’s license ng LTO
2 utas, 1 timbog sa entrapment ng CIDG (Nambibiktima ng mga online seller ng ginto)