
PATAY ang isang negosyante at naabo rin ang nasa humigit kumulang sa P2 milyon ng mga ari arian nang sumiklab ang sunog sa Town and Country Executive Village , Brgy. Molino 3 sa lungsod ng Bacoor bandang alas- 6:00 ng hapon ng nitong Lunes.
Kinilala ang nasawing biktima sa nangyaring sunog na si Richard Somook, 38 taon gulang, at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection at ng Bacoor City PNP nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kanyang kuwarto at positibong kinilala ng kanyang malalapit na kaibigan.
Idineklarang fired out ang sunog bandang 7:46 ng gabi.
Inaalam pa ng mga Fire Marshall and Investigator ang dahilan ng nangyaring sunog at kung mayroong naganap na foul play. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela
Lalaki, kalaboso sa bakal sa Caloocan