Binigyang-diin ni ML Partylist first nominee Leila de Lima na kahit ang Senado ay nasa break, maari pa ring magpatuloy ang paglilitis sa isang impeachment case.
“Pwedeng mag-function pa rin ang Senate as an impeachment court kahit nag-adjourn, kahit walang regular session kasi ‘yung impeachment, hindi ito ‘yung ordinary legislative function ng Kongreso. Ito ay isang non-legislative function, special function ng Kongreso,” ayon sa dating senador.
Paliwanag niya, ang proseso ng impeachment ay iba sa mga regular na gawain ng kongreso, at ito ay isang espesyal na mandato ng kongreso. Dahil dito, ang mga karaniwang tuntunin at proseso ay hindi naa-apply. Sa halip, ang impeachment process ay may kanya-kanyang mga patakaran at proseso na sinusunod.
“So ordinarily, hindi maga-apply ‘yung mga nakasanayan nang proseso o patakaran na kapag nag-adjourn na ay wala muna dapat mga session… Ibang bagay ito. Ibang mandato ito. Special na mandato ito so hindi dapat naga-apply ‘yung ordinary rules ng Senado kaya pwede pa [ituloy],” dagdag niya.
Binibigyang-diin ni De Lima na nagawa na ng Kongreso ang kanilang bahagi, at ngayon ay responsibilidad na ng Senado na ipagpatuloy ang proseso. “Obligasyon nila (Senate) ‘yun na mag-constitute ng impeachment complaint. Hindi pwedeng balewalain nila ‘yan. Hindi rin pwedeng upuan nila ‘yan kasi nasa kanila na. Nandyan ‘yan sa Saligang Batas,” saad niya.
Nitong Miyerkules, 215 miyembro ng Kamara ang lumagda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
More Stories
Pambansang Buwan ng Sining ang Pebrero
BOC Joins Special Session of National Single Window Steering Committee
DTI reinforces MSME commitment with successful Kadiwa ng Pangulo launch in Bay, Laguna