Pinasesertipikahan bilang urgent ni Senador Joel Villanueva sa administrasyong Marcos ang Senate Bill No. 2534 o ang panukalang dagdag na P100 minimum wage sa mga manggagawa.
Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development, sa taas ng presyo ng mga bilihin kailangang matiyak na may kakayahang mamuhay nang maayos ang mga Pilipino.
Samantala, welcome din para sa senador ang inaprubahan ng komite sa Kamara na panukalang batas na PHP200 daily across-the-board wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Umaasa naman si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na maihahabol pang mapagtibay ang panukalang batas na dagdag na sahod sa mga manggagawa na miminum wage earners bago mag-break ang sesyon ng 19th congress.
Ayon kay Revilla, sakaling maisabatas ang dagdag na sahod sa mga manggagawa, ay laking kaginhawaan ito sa gitna nang malaking gap o pagitan sa kinikita ng mga manggagawa sa mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado.
Malaki aniya ang tsansa at abot-kamay na ang dagdag umento dahil matapos makalusot sa Senado noong nakaraang taon, ngayon naman ay naaprubahan na sa committee level ng mababang kapulungan ng Kongreso ang isinusulong na P200 minimum wage increase.
Nalulugod ang mambabatas dahil malapit nang makamit ang legislated wage hike na noong 2008 pa niya paulit-ulit na ipinapanukala.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY