Humingi ng tawad ang Department of Migrant Workers (DMW) sa maling pag-repatriate ng labi sa pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa Kuwait.
Sa sidelines ng press conference nitong Martes, inako ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac ang pananagutan dahil sa pagkakamali na kinakasangkutan ni OFW Jenny Alvarado, na iniulat na namatay dahil sa suffocation.
“Humingi ako ng paumanhin sa nangyari [sa pamilya]. Ang nangyari ay nagbigay ako ng direktiba na bilisan ang kanyang pagpapauwi. Ngayon, ‘yung service provider natin doon, ‘yung private shipping service provider, ay nagsagawa ng pag-repatriate ng remains. Ang tinukoy na labi ay naiba, pero nasa pangalan ni Jenny. So may pagkakamali,” ayon kay Cacdac.
“I take full responsibility dahil ako rin ang nagsabi na agaran ang pagpapauwi ni Jenny.
Gayunpaman, sinabi ni Cacdac na inutusan niya ang labor attaché ng departamento at mga abogado sa lugar na imbestigahan kung paano nangyari ang pagkakamali, at kung sino ang dapat managot.
“The DMW plans to pursue legal claims if they determine liability,” saad niya.
More Stories
Bolts tinambakan ang NorthPort
SPEED LIMIT SA NAIAX, BAHAGI NG SKYWAY STAGE 3, ITATAAS SA 80KPH
PUGANTENG CHINESE NAARESTO NG BI SA NAIA