INANUNSIYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na 220 Filipino na nakakulong sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa iba’t ibang offenses ang ginawaran ng pardon at nakatakdang pabalikin sa Pilipinas.
Pinagkalooban ng pardon ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ang nasabing mga Pinoy kasabay ng ika-53 National Day ng UAEm na ipinagdiwang noong Disyembre 2, 2024.
Ayon kay Marcos Jr., ito ay karagdagan sa 143 Pilipino na binigyan din ng pardon noong Eid al-Adha.
Ang desisyong ito, na karagdagan sa isang daan at 143 Pilipino na nabigyan ng pardon noong Eid al-Adha, ay patunay ng matibay na ugnayan ng ating mga bansa. We extend our heartfelt gratitude to His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan and Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, whom I also had the honor to meet, for this compassionate gesture,” saad ng Pangulo.
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang pagpapatawad ay direktang resulta ng pagpupulong ng Pangulo sa kanyang counterpart sa UAE noong nakaraang Nobyembre.
Idinagdag ng Pangulo na ang mga ahensyang kasangkot ay pinoproseso na ang mga dokumento ng mga Pilipino para sa kanilang mabilis na pagbalik sa Pilipinas.
More Stories
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas
4 KAWANI NG NBI, KASABWAT NA 7 FIXERS KALABOSO