January 9, 2025

COMELEC CHECKPOINT KASADO NASA ENERO 11

MAGSISIMULA nang maglatag ng checkpoint sa buong bansa ang Commission on Elections (Comelec) sa Enero 11 bilang paghahanda sa 2025 national and local elections (NLE).

Ito’y kasabay ng pagpapatupad ng gun ban, ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia nitong Lunes.

“Actually ang election period January 11 ang start, hanggang June 12. Ibig sabihin, ganoon din kahaba ang checkpoint,” saad niya.

ayunpaman, nilinaw ng Comelec chief na mahigpit na ipatutupad ang “plain view doctrine” sa mga checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Ang ibig pong sabihin, kailangan lamang ng mga motorista na ibaba ang kanilang mga bintana at buksan ang mga ilaw sa loob ng kanilang mga sasakyan kapag dumadaan sa mga checkpoint,” aniya.