KALABOSO ang isang tulak na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.7 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Jun-Jun”, 24.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy bust operation laban sa suspek matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activity nito.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 1:40 ng madaling araw sa Pag-ibig St., Brgy., Lingunan.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 100 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P680,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money, cellphone, belt bag at ang kanyang gamit na motorsiklo.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba na sangkot sa operation. “The NPD will continue to intensify its anti-illegal drug operations and remain vigilant in safeguarding our community. Our focus is on protecting our neighborhoods from the scourge of illegal drugs while upholding the dignity of every resident.” aniya.
Ani P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS