NASABAT ng pulisya ang mahigit P15 milyong halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang Chinese national matapos maaresto sa buy bust operation sa Navotas City, Lunes ng umaga.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “William”, 40, Chinese national at kanyang live-in partner na si alyas “Rose”, 28, kapwa residente ng Brgy. Manganvaka, Subic Zambales.
Pinuri naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco si Col. Cortes at ang SDEU team sa pangunguna ni Capt. Rufo sa kanilang matagumpay na operation kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Ayon kay Col. Cortes, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ng mag-live-in partner kaya isinailim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ni SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr at P/Capt. Gregorio Cueto ang buy bust operation, katuwang ang CID-IG sa pangunguna ni P/Capt. Felcerfi Simon kontra sa mga suspek na pumayag umanong sa Navotas gaganapin ang kanilang transaksyon.
Nang tanggapin umano ni alyas William ang marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer kapalit ng isang zip-lock plastic bag ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang live-in partner dakong alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. NBBN.
Ani Capt. Rufo, nakumpiska sa mga suspek ang 2,226.6 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P15,140,880.00, buy bust money na tatlong dusted genuine P1,000 bill at 117 pirasong P1,000 boodle money, cellphone, digital weighing scale at gamit nilang sasakyan na isang itima na Honda Jazz.
Nakapiit ngayon ang mga suspek sa custodial facility unit ng Navotas police at mmahaarap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag