NANAWAGAN ngayon ang mga otoridad ng Batangas Provincial Police Office sa mga pamilya ng posibleng mga naunang biktima ng dalawang suspek na riding in tandem gun-for-hire na sakay ng isang Rusi Passion motorcycle na kulay itim at walang plaka na nasakote ng mga tauhan ng Mabini Police Station sa isinagawang checkpoint noong madaling araw ng Miyerkules December 4, 2024 sa Barangay San Juan ng Mabini, Batangas.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Romualdo Blanco Jr., 33 taon gulang, residente ng Barangay Sto. Niño, San Pascual, Batangas na rider ng motorsiklo habang ang angkas naman ay si Deo Villafuerte, 36-anyos na tubong Brgy. Piña, Labo Camarines Norte at pansamantalang residente sa Barangay Calicanto, Batangas City.
Ayon kay Police Major Arwin Caimbon, pinara ng mga pulis ang mga suspek na lulan ng nasabing motorsiklo para beripikahin ang lisensya ng rider at ang rehistro ng motorsiklo subalit hindi huminto ang mga suspek kaya’t nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga otoridad at mga suspek hanggang sa makorner at nakuha sa posisyon ng mga suspek ang isang Colt caliber 45 na baril maxm laman na isang magazine na loaded ng 7 piraso ng mga bata at isang Remington caliber 45 na may laman na isang magazine at 7 piraso ng mga bala. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA