November 24, 2024

‘Di raw feel ng Nanay at kapatid… MAINE MEDOZA AT ARJO ATAYDE, HIWALAY NA NGA BA?

ANG latest chika sa showbiz ngayon ay hiwalay na nga ba talaga sina Maine Mendoza at Arjo Atayde? Ang kumakalat kasing balita ay mismong si Maine ang kumalas sa relasyon nila ni Arjo. Dahil daw ito sa ibinulgar ni Ria Atayde sa relasyon ng dalawa at ang dating sa mga nakapanood ay mukhang ayaw ni Ria kay Maine.

“Sayang kung totoong naghiwalay na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, dahil matagal na rin naman iyong maganda nilang samahan na nauwi lang sa hiwalayan. Masakit ito sa isa’t isa, dahil kita naman ng lahat na talagang nagmahalan sina Arjo at Maine. At talaga namang ipinaglaban nila ang isa’t isa, pero mauuwi rin pala sa hiwalayan.

“Kung totoong binasted ni Maine si Arjo, dahil lamang sa ayaw sa kanya ng kapatid at nanay ni Arjo. Mauuwi nga ito sa ganuong sitwasyon, masakit ito sa side ni Maine Mendoza. At may kumakalat pang isyu na mukhang ginagamit lang si Maine ng Atayde family, para lagi silang on top sa kanilang showbiz career. Sana hindi ito totoo, dahil masakit ito sa parte ng bawat isa.” Sana nga hindi ito totoo, dahil sayang kung mauuwi lang sa hiwalayan ang lahat.