SWAK sa kulungan ang labing dalawang katao sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya kung saan pito sa kanila ay nakuhanan ng shabu sa Valenzuela City.
Sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station (SS6) si alyas “Amado” nang maaktuhang nagpapataya ng sugal na ‘Ending’ sa Brgy. Malanday at nakuha sa kanya ang ending card, ballpen, P260 bet money at isang sachet ng hinihinalang shabu.
Alas-4 ng madaling araw nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS1 sina alyas “Darwin”, at alyas “Jeff” na nagsusugal ng cara y cruz sa De Castro Subdivision, Brgy., Paso De Blas. Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang ‘pangara’, at P220 bet money habang isang sachet ng umano’y shabu ay nasamsam sa isa sa mga suspek.
Sa Pinalagad, Brgy. Malinta, huli naman ng mga tauhan ng SS4 alas-2:30 ng hapon sina alyas “Chris” at alyas “Jerome” dahil sa pagsusugal ng cara y cruz kung saan nakumpiska sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang pangara, P250 bet money at isang sachet ng suspected shabu na nakuha sa isa sa mga suspek.
Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS1 sina alyas “Nelmar” at alyas “Rey” na nagsusugal din ng cara y cruz sa Valenzuela Gateway Complex, Brgy. Paso De Blas. Nasamsam sa kanila ang tatlong peso coins pangara, P200 bet money at isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa isa sa mga suspek.
Samantala, naaktuhan naman ng mga tauhan ng SS9 sina alyas “Neil’ at alyas “Rey” na nagsusugal din ng cara y cruz sa Brgy. Maysan alas-11:40 ng gabi at nakuha sa kanila ang tatlong peso coins pangara, P230 bet money at isang sachet ng umano’y shabu na nasamsam sa isa sa mga suspek.
Dinakip naman ng mga tauhan ng SS5 si alyas “Ferdi” nang maaktuhang nagpapataya ng lotteng sa Kabesang Imo St., Brgy. Balangkas alas-12:10 ng hating gabi at nakuha sa kanya ang lotteng booklet, ballpen, P200 bet money at isang sachet ng hinihinalang shabu.
Habang naaktuhan naman ng mga tauhan ng SS2 sina alyas “Romeo” at alyas “Jeremy” na nagsusugal din ng cara y cruz sa Angeles St., Brgy. Gen T De Leon alas-9:15 ng umaga. Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins pangara, P330 bet money at isang sachet ng suspected shabu na nasamsam sa isa sa mga suspek.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL