NAKIPAGPULONG si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga opisyales ng ahensiya para pag-usapan ang mga paghahanda sa panunumbalik ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Monreal, base sa IATF Omnibus Guidelines sa community quarantine, magpapatupad ang MIA ng 50 percent workforce deployment sa back office work.
Hindi naman kasama sa nasabing direktiba ang mga empleyado na mayroong frontline duties kabilang ang mga nakatalaga sa flight operations, terminal monitoring, facilities management and maintenance, security, safety at emergency services.
Sinabi ni Monreal na tuloy pa rin ang full deployment ng mga tauhan ng janitorial companies at security guard na may kontrata sa MIAA.
Para matiyak ang tuloy na trabaho, magbibigay ang MIAA ng shuttle buses para magamit ng airport workers na may ruta sa Manila, Quezon City at Cavite.
“They are also provided free meals and hazard pay equivalent to P500 per day as maybe directed by the competent authority,” ayon pa sa MIAA. Sa pulong naman kasama ang mga airline company, sinabihan ni Monreal ang local air carriers na ipagbigay-alam sa kanilang mga pasahero ang rebooking instructions kasunod ng pansamantalang suspensyon ng domestic flights palabas at papasok ng Maynila.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL