NAILIPAT na ng Philippine National Philippine (PNP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail Male Dormitory nitong Miyerkules ng hapon.
“At about 5:05 p.m., PNP turned over the custody of Apollo Quiboloy to Pasig City Jail,” ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo.
Makakasama umano ni Quiboloy sa piitan ang nasa 35 iba pang detainees.
Bago dalhin sa karaniwalang selda, mananatili umano muna si Quiboloy sa holding area upang maihanda ang sarili.
Una rito, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na naglabas ng utos ang korte noong November 22 na dalhin si Quiboloy sa Pasig City jail kapag natapos na ang kaniyang medical furlough.
Mula nang arestuhin, nasa nakadetine ang religious leader sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City. Pero nabigyan siya ng medical furlough at dinala sa Philippine Heart Center.
Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong qualified human trafficking sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208.
Bukod pa sa kasong paglabag sa Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Nauna nang itinanggi ni Quiboloy ang mga bintang laban sa kaniya.
More Stories
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN
BONG GO “CLOSE FRIEND” NG DRUG PERSONALITY – PDEA