November 27, 2024

BONG GO “CLOSE FRIEND” NG DRUG PERSONALITY – PDEA

Malapit na kaibigan ni Senator Bong Go ang Pharmally boss at umano’y drug personality na si Lin Weixiong o Allan Lim (Allan Lin), ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

According to [an] informant, Allan Lin is a close friend of then-special assistant to the president Christopher ‘Bong’ Go. Allan Lin is a casino junket operator who is involved in the kidnapping of high roller Chinese gamblers in Okada, Manila. Allan Lin or Weixiong Lin was involved in a case involving drugs in Cavite, but his case was dismissed in 2015,” ayon kay PDEA Deputy Director General Renato Gumban sa ika-12 quad committee hearing nitong Miyerkules, Nobyembre 27.

Inihayag ito ni Gumban sa kanyang presentation sa ugnayan ng mga kompanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at illegal drug trade.

Ayon kay Gumban, maraming alias na ginagamit si Allan Lim, isa rin sa mga incorporator ng Pharmally corporation na nakasungkit ng P11 bilyong halaga ng government contract ng COVID-19 pandemic supplies noong administrasyong Duterte, at isa ring casino junket operator.

Hindi nakarating ngayon sa pagdinig ng komite si Rose Nono Lin, misis ni Allan Lim, na congressional candidate sa Quezon City.

Sa mga naunang pagdinig ng komite ay isiniwalat ni PDEA Chief Moro Lazo na si Allan Lim at drug personality na si Lin Wei Xiong ay iisang tao lamang.

“We were able to talk to a confidential informant. He’s a reliable informant. When he talked to us, he hadn’t even seen the presentation of [police] Colonel [Eduardo] Acierto before the [House] Committee on Dangerous Drugs,” sabi ni Lazo.

Inakusahan din ni dating Col. Eduardo Acierto sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Go na mga kabigan at protector ng drug suspect na si  Allan Lim sa kanyang report noong 2017 report na binalewala aniya ng kanyang ng superiors ng walang basehan.

Base sa impormante ng PDEA , gumagamit din si Allan Lim ng mga pangalang Allan Lin, Jeffrey Lin, Jeff Lin, Ayong, Lin Wei Xiong, at Wen Li Chen.

“These names all are confirmed by the different statements being heard before the QuadComm,” aniLazo.

“He is a drug personality. He was caught in a shabu laboratory in Tagaytay in 2004,” ani Lazo.

Samantala, itinanggi ni Go na kaibigan niya si Allan Lim.

“Hindi po kami close friends ni Allan Lim, at mas lalo pong hindi ako involved sa illegal drugs,” sagot ni Go sa mga reporter sa isang panayam sa Senado.