BABALIKWAS tiyak ang kinasisindàkang koponan sa commercial semi- pro basketball sa bansa partikular sa Maharlika Pilpinas Basketball League (MPBL), ang pamosong koponan mula Mindanao
Sa patapos nang season ng liga ni sports icon Senator Manny Pacquiao kung saan ang champion caliber na Davao Occidental Tigers Cocolife ay nabigong ituloy ang kanilang tanyag na taguring mabangis na tigreng koponang ang bisyo ay magpapanalo hanggang masungkit ang kampeonato.
“No way but to go back to our familiar route to continue our winning ways, we’re ready to mix it up ang roar once more and always dish excitement to our team followers mula noon hanggang ngayon’,pahayag ni team official Arvin Deria Bonleon na bumalik sa drawing board bilang preparasyon para sa susunod na lalahukang prestihiyosong liga sa bansa.
Ang team Tigers na pag-aari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore Omelas ay nagkampeon nasyunal noong MPBL 2021 season at Pilipinas Super League(PSL) noong 2023.
Matutunghayan sa mga susunod na pagsabak ng Davao Occ.Tigers Cocolife ang champion caliber na kumpleto rekado mula youth, veteŕan na may madulas na opensa at malagkit na depensa na paghahandaan ng lahat ng makaka-krus ng landas na aabangan ng bayang basketbolista. (DANNY SIMON)
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest