APAT na matataas na opisyal ng pulisya ang binalasa ng Philippine National Police (PNP).
Sa pinakahuling direktiba ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil, pinalitan sa puwesto sina Eastern Police District (EPD) director Brig. Gen. Wilson Asueta at Northern Police District (NPD) chief Brig Gen. Rizalino Gapas.
Gayunpaman, nilinaw ng PNP na ang pagpapalit kina Asueta at Gapas ay naglalayong bigyan ng mas malaking responsibilidad sa hangarin tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa gawing hilaga at katimugang bahagi ng Luzon.
Batay sa kautusan ni Marbil, si Asueta ang magsisilbing officer-in-charge (OIC) ng Office of the Deputy Commander ng Area Police Command (APC) sa Southern Luzon, habang OIC namansi Gapas sa Office of the Deputy Commander ng APC-Northern Luzon.
Hinirang din si Col. Villamor Tuliao bilang OIC ng EPD kapalit ni Asueta, habang si Col. Josefino Ligan ang humalili sa binakanteng pwesto ni Gapas sa NPD.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON