DUMAMI ang nagtitinda ng motorcycle barriers sa harap ng Minor Basilica of the Black Nazarene ngayong Linggo ng umaga. Sinimulan na kasi ng pamahalaan ang magpit na pagpapatupad sa no physical barriers, no backride policy upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). (kuha ni NORMAN ARAGA)
NAGBABALA ang grupo ng motorcycle riders sa pamahalaan na maaring nilang ikadisgrasya ang paglalagay ng mga protective dividers laban sa COVID-19 dahil sa wind dragging o wind lifting.
Ayon kay Atoy Cruz, director for administration ng Motorcycle Philippines Federation, sapat na ang pagsusuot ng protective gear gaya ng face mask, face shield, helmet, long-sleeves at glove para sa magkasintahan.
“Kinakakatakot namin d’yan, yung wind dragging at saka wind lifting na tinatawag. Maski ikaw mabagal, dinaanan ka ng mabilis na bus o truck, maaaring magkaroon ka ng problema sa handlebar mo, mag-wiggle motor mo, madisgrasya ka,” pangamba ni Cruz.
“Ang hinihingi namin somebody, an aerodynamics engineer na magbibigay talaga ng suhesiyon na ito hindi makakadisgrasya. Local engineers na ang sumulat sa IATF na delikado yan. Nung prinesent nila, hindi pinakinggan,” ayon kay Cruz.
“Pagka dahil sa barrier na yan may nadisgrasya, sino sasagot sa ospital dun sa mga member namin? Yan ang nakakatakot dyan eh,” dagdag pa niya.
Nagbigay ng palugit hanggang nitong Hulyo 31 ang pamahalaan para sa paglalagay ng barrier matapos lumabag sa panukala ang mahigit sa 10,000 na rider.
Simula ng Agosto ay nagsimula na sa panghuhuli ang mga awtoridad ng mga motorista na walang barrier matapos ang binigay na palugit para makapagpalagay ng mga divider.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY